Ang Alpabeto ng Kulturang Filipino ay isang deskriptibong aklat ng alpabetong Filipino na pumapaksa sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Sinikap naming saliksikin ang mga salitang kakatawan sa mg wika ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Bukod sa pagpapakilala ng tradisyong etniko at rehiyunal, layunin din nitong itampok ang mga kaugaliang katutubo, Islamiko, at Kristiyano sa bansa. Ang mga tradisyong tampok sa aklat na ito ay nanatiling buhay sa kasalukuyan gaya ng pagdiriwang ng Ati-atihan, pagtugtog ng kulintang, at pagsusuot ng vakul. Nakahapag din dito ang mga salitang katutubo para sa mga titik na c, f, ñ, v, at z upang ipakita na ang mga ito ay hindi hiram lamang at banyaga sa ating mga dila at diwa. Hangad ng aklat na ipakilala sa mga mambabasa ang yaman ng islang wikang pambansa - ang wikang Filipino.
- Unang Salita ng mga Tagapaglathala
ALEXINE: Without a doubt, this is a must-have for your home library!
ADRIANA: The is a very beautiful book and taught me a lot about Philippine culture. Even my parents learned a lot!
BOOK DETAILS
AUTHOR: Eugene Y. Evasco ILLUSTRATOR: Aaron Asis PUBLISHER: PLL Publishing LANGUAGE: FilipinoISBN: 971-978-769-092-2DATE PUBLISHED: 2018FORMAT: SoftcoverSIZE: 8
.5x11in WEIGHT: 300g