Ang hawak mong libro ngayon ay hindi tipikal na nobelang may mabait at magiliw na kuting na puwedeng pang-Instagram. Wala kang makikita ritong malambing na batang mahal na mahal ang kuting. Dito, bida ang buong klase at si Ms. Cruz, isang guro, na tulad ng ibang guro, ay mahaba ang pasensiya; at oo, meron ring pusa, pero hindi karaniwang pusa. Purong puti ang pusa, asul ang isang mata, at kayumanggi naman ang isa, natatangi hindi lang dahil sa ganda, pero dahil sa kakaibang kapangyarihan. Gusto mo bang malaman kung ano ito?
Unang inilathala sa Catalan (L'any del gat), kabilang na ngayon ang libro sa Aklat ng Salin, mga pilîng aklat pambatà mula sa ibáng bayan na nagsasalaysay ng mga karanasang lalo pang makapagpapayaman sa balon ng sensibilidad at kaalaman ng mga batàng Filipino. Layunin din nitóng mapalawak ang karanasang pangkultura ng mga mambabasá sa pamamagitan ng pagtiyak na maiuugnay ng mga batà ang kaniláng sarili sa akdang binabása. Masinop ding isinalin ang bawat aklat sa seryeng ito upang maipamalas ang yaman at husay ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga dayuhang kuwento.- ADARNA HOUSE
BOOK DETAILS
AUTHOR: Jaume Copons
ILLUSTRATOR: Agustín Comotto
PUBLISHER: Adarna House
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789715087414
DATE PUBLISHED: 2018
FORMAT: Softcover
SIZE: 6x9in
WEIGHT: 200g