Isang marikit na kuwento kung paano iniligtas at inibig ng batang babaeng si Fern, sa tulong ng palakaibigang gagamba, ang alagang baboy na si Wilbur mula sa karaniwang kapalaran ng mga patabaing biik.
Kuwento ito ng mahiwagang pagkabata at pagkamulat sa kabukiran. Mamamangha ang mga batang mambabasa sa gagambang si Charlotte, sa baboy na si Wilbur, at kay Fern, ang batang nakaiintindi ng kanilang wika.
Nobela ito ng pagkakaibigan, pagmamahal, at ng buhay na patuloy na kagigiliwan ng mga susunod na henerasyon.
Isinalin sa Filipino ni Eugene Y. Evasco upang makapagbukas pa ng maraming pinto sa sining ng pagsulat ni E.B. White.
BOOK DETAILS
AUTHOR: E.B. White
TRANSLATOR: Eugene Y. Evasco
PUBLISHER: Lampara Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789715188074
DATE PUBLISHED: 2014
FORMAT: Softcover
SIZE: 5x7in
WEIGHT: 200g
PAGES: 200