Paunawa sa mga di-mambabasa: Kung mapasakamay ninyo ang librong ito, mag-ingat.
Hindi naman ito paninira sa libro. Pero nakakahumaling talaga ang mga pahina nito—parang bitag sa sinumang hindi makapagpigil magbasá hanggang sa wakas. Hindi rin kathang-isip si Guillermo Caldara, ang bida ng kuwento. Totoong tao siya at maaaring isa siya sa atin.
Pero tama na ang salita. Simula ngayon, bahala ka na sa buhay mo.
Unang inilathala sa Catalan at Espanyol (La tribu dels Zippoli), kabilang na ngayon ang libro sa Aklat ng Salin, mga pilîng aklat pambatà mula sa ibáng bayan na nagsasalaysay ng mga karanasang lalo pang makapagpapayaman sa balon ng sensibilidad at kaalaman ng mga batàng Filipino. Layunin din nitóng mapalawak ang karanasang pangkultura ng mga mambabasá sa pamamagitan ng pagtiyak na maiuugnay ng mga batà ang kaniláng sarili sa akdang binabása. Masinop ding isinalin ang bawat aklat sa seryeng ito upang maipamalas ang yaman at husay ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga dayuhang kuwento. - ADARNA HOUSE
BOOK DETAILS
AUTHOR: David Nello
FILIPINO TRANSLATION: Emelina S. Almario
PUBLISHER: Adarna House
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789715087513
DATE PUBLISHED: 2019
FORMAT: Softcover
SIZE: 6x9in
WEIGHT: 200g