Si Melchor Sobrandúnong na siguro ang batang pinakamatalino sa buong planeta, o kung hindi man ay siyang pinakamatalino sa bansa o sa bayan niya. Napakatalino, lahat ay alam niya, alam niya ang lahat. Alam niya ang tungkol sa mga dinosaur, mammal, ahas, ilog at bundok, digmaan, hari, bitruin at planeta, astronaut, at halos kahit ano na puwedeng isipin. Kayâ naman masayáng-masaya siya nang makatanggap ng tawag mula sa paligsahang "Ang Paghahanap sa Batang Pinakamatalino."
Unang inilathala sa Espanyol (Tengo unos piés perfectos), napili itong maisama sa White Ravens 2016. Sa edisyong ito ng Adarna House, kabilang ang libro sa Aklat ng Salin, mga pilîng aklat pambatà mula sa ibáng bayan na nagsasalaysay ng mga karanasang lalo pang makapagpapayaman sa balon ng sensibilidad at kaalaman ng mga batàng Filipino. Layunin din nitóng mapalawak ang karanasang pangkultura ng mga mambabasá sa pamamagitan ng pagtiyak na maiuugnay ng mga batà ang kaniláng sarili sa akdang binabása. Masinop ding isinalin ang bawat aklat sa seryeng ito upang maipamalas ang yaman at husay ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga dayuhang kuwento. - ADARNA HOUSE
BOOK DETAILS
AUTHOR: María Solar
ILLUSTRATOR: Gusti
ENGLISH TRANSLATION: Maria Luisa P. Young
FILIPINO TRANSLATION: Michael M. Coroza
PUBLISHER: Adarna House
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789715087414
DATE PUBLISHED: 2018
FORMAT: Softcover
SIZE: 6x9in
WEIGHT: 175g