Mula sa gintong habihan ng imahinasyon ng pinakamahuhusay na tagahabi ng salaysay para sa kabataan, narito ang sampung pinakamaririkit na kuwento--mga kuwento ng pagtuklas, pakikipagsapalaran, paglalaro't panunukso, pagpapasakit at kagitingan, paglaki at pagkamulat--na tinitipon ng Tahanan Books for Young Readers mula sa mga akdang-pambata na pinarangalan ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Bawat isa'y masinop na hinabi at binuo mula sa makukulay na hibla ng karanasan; pinatingkad ng mga tauhang kapana-panabik, natatangi, at nakaaaliw; pinatibay ng mga kaisipan, aral at paniniwalang maaaring maging bigkis, saplot, at balabal ng mga kabataan sa pagtahak nila sa mahabang landas ng buhay.
Bawat premyadong kuwento sa koleksiyong ito ay lalong pinarikit ng mapaglarong guniguni ng mga ilustrador na naglarawan sa mga salaysay na tiyak na aakit di lamang sa mga kaataang mambabasa, kundi sa lahat ng mahilig sa kuwento, anuman ang edad at sa lahat ng panahon.
BOOK DETAILS
AUTHORS: Renato Vibiesca, Ma. Corazon Remigio, Augie Rivera, Jr., Simplicio Bisa, Rene Villanueva, Natasha Vizcarra, Luis Gatmaitan, Susie Borrero, Luna Sicat Cleto
ILLUSTRATORS: Daniel Palma Tayona, Mark Justiniani, Lito Yonzon, Katti Sta. Ana, Ellen Ramos, Dindo Llana, May M. Tobias, Bernadette Solina, William Gaudinez, Jose T. Badelles
PUBLISHER: Tahanan Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789716300949
DATE PUBLISHED: 1998
FORMAT: Softcover
SIZE: 7x9in
WEIGHT: 250g
PAGES: 70