Isang aleng hindi kilala ng batang si Nena ang nagpasama sa kaniya at nagsabing bibigyan siya ng laruan. Isa lang ang sabi ni Nena, "UM-AH-UM-AH-AH!"
Ito ang paraang itinuro ng nanay at tatay ni Nena--kung paano tumanggi at pahalagahan ang kaniyang boundaries o hangganan kahit bata pa lamang.
Araw-araw kasi, nahaharap si Nena sa iba't ibang sitwasyon kung saan may mga tao-kilala at hindi- ang sumusubok sumakop sa kaniyang personal na espasyo o pilitin siyang gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Mula sa mga nag-aayang ale at
nagsisikretong kaklase, hanggang sa ninang na nangingiliti at titong nanghahalik sa pisngi. Kaya't sa tuwing babanggitin ni Nena ang "Um-Ah-Um-Ah-Ah," lumalakas ang
kaniyang loob at naipakikitang ang pagmamahal at respeto sa sarili ay kasinghalaga ng pagiging mabait at magalang sa iba.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Abet B. Cruz
ILLUSTRATOR: Beth Parrocha
PUBLISHER: Lampara Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9786214745630
DATE PUBLISHED: 2024
FORMAT: Softcover
SIZE: 8x9in
WEIGHT: 150g