Sa araw-araw na pag-aaruga sa kanilang rga anak, napansin ng mga ina ang isang halamang lumalaki tulad ng puno ng saging. Ang ipinagtataka nila, hindi namumunga ng matatamis na saging ang puno. Hindi nagiging saging ang hugis puso ring bunga nito. "Walang pakinabang ang mga halamang itol" sabi ng isang ina, sa pag-aakalang wala itong pakinabang, pinagpuputol nila ang mga puno. Ngunit matapos ang ilang buwan, may sumupling na namang maliit na katawan kasunod ang matingkad na luntiang dahon nito.
Alamin sa kuwentong ito kung paanong ang mga hibla ng katawan ng punong ito ang pagmumulan ng habi ng kababaihan. At kung paanong ang makukulay nilang habi ay mapunta sa kalangitan pagkatapos ng ulan, na ngayon ay tinatawag nating bahaghari.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Genaro R. Gojo Cruz
ILLUSTRATOR: Pepot Atienza
PUBLISHER: Bookware Publishing
LANGUAGE: Filipino & English
ISBN: 9789714329614
DATE PUBLISHED: 2023
FORMAT: Softcover
SIZE: 7x9in
WEIGHT: 100g