Pag-Ibig sa Panahon ng Kolera (Love In The Time of Cholera) ni Gabriel Garcia Marquez. Isinalin sa Filipino ni John Jack G. Wigley
Ang Pag-Ibig sa Panahon ng Kolera ay nobela ng pagmumuni-muni ng lunggati at walang-maliw na kapangyarihan ng pag-ibig.
Isang romantikong mangingibig si Florentino Ariza na nabighani sa marilag na si Fermina Daza, subalit tinanggihan ang kanyang pag-ibig. Sa halip, nagpakasal ang dalaga sa isang dalubhasang doktor na si Juvenal Urbino habang tahimik na naghihintay ng mahigit limampu't isang taon nang sumakabilang-buhay na ang doktor. Sa huling pagkakataon, matutuklasan ni Florentino kung uusbong nasa wakas ang pag-ibig na kanyang pinakamimithi at iniingatan nang mahigit kalahating dantaon o mananatili lamang itong isang malaking ilusyon.
Tinalunton ng pambihirang manunulat na si Gabriel Garcia Marquez ang isang hindi malilimutang kuwento ng pag-ibig: masaya, mapanglaw, mayaman, at nag-uumapaw.
Si Gabriel Garcia Marquez ay ipinanganak sa Colombia noong 1928. Kabilang sa marami niyang akda ang One Hundred Years of Solitude, The Autumn of the Patriarch, No One Writes to the Colonel, Chronicle of a Death Foretold, The General in His Labyrinth, Collected Stories, at Collected Novellas. Ginawaran si Gabriel Garcia Marquez ng Nobel Prize para sa Panitikan noong 1982.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Gabriel García Márquez
TRANSLATOR: John Jack G. Wigley
PUBLISHER: Lampara Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9786214740352
DATE PUBLISHED: 2022
FORMAT: Paperback
SIZE: 6x9x1in
WEIGHT: 500g
PAGES: 302