"Ano ang virus, Nanay?"
Nang malaman ni May ang balita sa bagong sakit na kumakalat sa buong daigidg, siya at ang kaniyang ina ay masigasig na tinuklas kung ano ito. Napag-alaman nila na ang unang tao na naghudyat sa bagong coronavirus ay isang Tsinong optalmologo na nagngangalang Dr. Li Wenliang. Nalaman ni May kung bakit mahalaga ang face mask, at kung paano makatutulong ang lahat upang masugpo ang impeksiyon. Natutuhan din niya ang mga dapat gawin kapag nakaramdam ng lungkot at lumbay- at kung gaano kalayo ang nararating ng bahaghari!
Kalakip ng mensahe ng pagsasama-sama at pakikipag-ugnayan, makatutulong ang aklat na ito upang maunawaan ang pandemya at kung paano sila, bilang mga bata, ay makatutulong sa pagbuo ng mas mabuti, mas patas na lipunan sa hinaharap.
Isinulat ni Francesca Cavallo, kasamang awtor ng bestselling na seryeng Good Night Stories for Rebel Girls, kasama ng mga likhang-sining ni Claudia Flandoli na kilala sa pagbibigay-buhay sa siyensiya sa pamamagitan ng kaniyang mga ilustrasyon.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Francesca Cavallo
ILLUSTRATOR: Claudia Flandoli
TRANSLATED BY: Eugene Evasco
PUBLISHER: Lampara Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789715189293
DATE PUBLISHED: 2020
FORMAT: Softcover
SIZE: 7.8x10.4in
WEIGHT: 160g
PAGES: 38