Ang tunog ng agong ay maaaring maghatid ng musika, anunsiyo o balita. Ano kaya ang naghihintay kina Biya, Musi at Uma matapos nilang marinig ang agong?
"Ikinukuwento ng NARINIG MO NA BA ANG AGONGP ang diwa ng ating nakaraan sa paraang tulad ng pagkukuwento ng ating mga ninuno. Isa itong napakagandang babasahin, hindi lang para sa mga bata, kundi pati na rin sa mga nakatatanda May kasabihan tayong 'Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.' Inihahatid tayo ng aklat na ito sa isa pang tulay na nagdudugtong sa ating nakaraan at kinabukasan bilang mga tao, at bilang isang bansa."
"NARINIG MO NA BA ANG AGONG? is a story that captures the essence of our tribal past in the manner of the town storyteller of old. This is excellent reading for children and adults alike. We have a saying that unless we remember our roots, we will not know our future paths, and this book provides another link between our past and future as a people, and as a nation." - Alma Anonas-Carpio, premyadong manunulat, patnugot at kasapi ng Manila Critics' Circle
-------------------------
MGA KUWENTONG PAMABATA MULA SA KASAYSAYAN NG MINDANAO ay isang pagsisikap para maipakilala sa mas malawak na bilang ng mga batang Pilipino ang mga kasaysayan at kalagayan ng mga taga-Mindanaw. Sa pamamagitan ng mga kwentong buhay ng mga bantog na bayani ng Mindanaw, maaari silang maging modelo na mapagpupulutan ng aral ng mga bata at ng kanilang mga magulang at guro.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Carla Mortel Baricaua
ILLUSTRATOR: Ginella L. Solis
PUBLISHER: Aklat Mirasol
LANGUAGE: Filipino & English
ISBN: 9786219680516
DATE PUBLISHED: 2022
FORMAT: Softcover
SIZE: 7x9in
WEIGHT: 100g