Ito'y isang antolohiya ng mga kuwentong pambatà na magsisilbing introduksiyon sa mayamang bukál ng panitikang-bayan ng ating bansa
Binubuo ng apatnapu't isang kuwento ang Alaala ng mga Pakpak batay sa muling pagsasalaysay, pagsasalin, at pagsisikap na itanghal ang kaalamang-bayan sa mga orihinal na kuwento. Nilalayon ng aklat na mag-alay ng aliw, pagkabighani sa sariling kultura, at aral sa bawat batà at pamilyang Pilipino. Maingat na sinaliksik ng mga kuwentista ang kaniláng mga kuwento búhat sa mga pangunahing batis ng panitikan. Tiniyak ng mga editor na magkaroon ng mga kinatawang teksto mula sa mga pangunahing rehiyon ng Pilipinas. Ang mga katha sa antolohiya ay pamána ng ating mga ninuno sa kasalukuyang henerasyon ng mga mámbabasá na nagtataglay ng mga temang mahalaga sa pag-unlad ng pagkabatà at pagkamamamayan.
Nararapat mapabilang ang aklat na ito sa mga koleksiyon ng aklatang pantahanan at pampaaralan. Sanggunian ito ng mga guro, magulang, at tagapagsalaysay-para sa kaniláng pagtuturo at pagtatanghal ng sariling wika at panitikan sa mga batà.
BOOK DETAILS
EDITORS: Eugene Y. Evasco and Mariel G. Balacuit
PUBLISHER: Komisyon sa Wikang Filipino
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9786214500574
DATE PUBLISHED: 2021
FORMAT: Paperback
SIZE: 5.5x8.5in
WEIGHT: 300g