Paano nagkaroon ng parol?
Sino'ng nakaimbenot ng bibingka?
Bakit sinusundot ang puto-bumbong?
Ito ay ilan lamang sa mga makabagong alamat na sinulat ni Rene O. Villanueva tungkol sa iba't ibang bagay na kumakatawan sa natatanging pagdiriwang ng mga Filipino ng Kapaskuhan. Lalong pinarikit at pinatingkad ng makukulay at mapaglarong larawan ni May M. Tobias ang pagka-Filipino ng bawat kuwento.
Ang 12 Kuwentong Pamasko ay koleksiyon ng mga kuwentong nakatatawa, nakatutuwa, nakapagpapataas ng kilay, at kumukurot sa puso. Bawat salaysay ay hinabi upang ang diwa ng Pasko ay mananatiling buhay sa puso ng bawat mambabasa sa buong taon at habang panahon.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Rene O. Villanueva
ILLUSTRATOR: May M. Tobias
PUBLISHER: Tahanan Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 978-971-630-131-1
DATE PUBLISHED: 2001
FORMAT: Softcover
SIZE: 6x9in
WEIGHT: 220g