Hindi na pagtatalunan pa ang malalim na mga aral na mapupulot sa akdang ANG MUNTING PRINSIPE ni Antoine de Saint-Exupéry. Hanggang ngayon, matapos itong maisalin Sa may 600 na wika, nananatili itong isa sa pinakatanyag na librong nailathala sa buong daigdig
Maging Sa Pilipinas, ang akdang ito ay naisalin na sa mga wikang Filipino, Hiligaynon, Cebuano, Ilokano, Bikolano, Waray at Chavacano. Nagagalak ako na higit na maraming mga bata at kabataang Pilipino ang may pagkakataong magpahalaga sa mga walang-kamatayang karunungan na taglay ng akda.
Natutuwa ako na ngayo'y hawak mo ANG MUNTING PRINSIPE KOMIKSI
Sa pamamagitan ng mga matitingkad na kulay at higit na kaiga-igayang mga larawan, lalupang nagiging kasiya-siya ang pakikiisa sa paglalakbay ng munting prinsipe. Bukod dito, nakakatulong din ang komiks sa pagpapatalas ng kakayahan ng mambabasa na unawain ang iba't ibang elemento ng bawat pahina- biswal man, tekstwal o maging ang konsepto ng espasyo.
Sa ngayon, napakaraming mga tao ang nabubuhay sa isang mundong higit na kumplikado at kung minsan pa nga ay marahas Mahalagang matutuhan nila na malaki ang ambag ng pakikipag kaibigan at pagtanggap sa kanilang mga sariling pananagutan.
Sa hulihan, mahalagang maisabuhay nila ang pagtanaw sa mundo sa pamamagitan ng puso, dahil hindi lahat ng esensyal ay sa mata o pagtanaw lamang mauunawaan.
- Dr, Lilia F. Antonio, Dangal ng Wikang Filipino 2022 Awardee- Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
BOOK DETAILS
AUTHOR: Antoine de Saint-Exupéry '
TRANSLATORS: Sophia Flor Perez and Jane Rose Regalado
ILLUSTRATOR: Richard Red C. Elli
PUBLISHER: Southern Voices
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9786218354111
DATE PUBLISHED: 2024
FORMAT: Paperback
SIZE: 6x9 inches
WEIGHT: 300g
PAGES: 94