Datu Birang is an esteemed leader of the Bagobos. Blessed by the Bagobo God Layon Matulos Nito, the story tells the importance of land to life, and the intergenerational role the Lumads carry in defending the sacred mountain of Apo Sandawa.
Ang kwento ng kabayanihan at pagmamahal. Sa kalikasan ay buhay na buhay sa kwentong pambata na Datu Birang. Kailangang makilala ng mga bata si Datu Birang. Sa panahong ito na sinasamba ng mga bata at magulang ang mga banyagang super hero na likha ng Marvel at DC komiks, nararapat lamang na maipakilala si Datu Birang sa kanila upang maitanghal ang kanyang dakilang kabayanihan at tunay na kapangyarihan na nagmumula sa pagkakaisa ng mga tribu at Moro.
Kulang at mas madalas ay walang pagkakatao na maikwento at malaman ang buhay at inspirasyon ng mga katutubo. Kaya kailangangang maipamahagi ang kwentong ito sa mga paaralan, silid-aklatan, at sa mga komunidad. Makapangyarihang instrumento ito na pumupukaw sa diwa ng pagiging maka-kalikasan at makabayan ng sinumang makakabasa. - Edge Uyanguren, Concerned Artists of the Philippines
Ang ganda ng aklat na itol Tunay nitong sinasalamin ang pakikibaka ng mga katutubo para kay Apo Sandawa. Kitang kita ang tapang nila, ang katapatan ng kanilang mga pinuno, at ang pagmamahal nila kay Apo at sa kalikasan. Isa ako sa mga abogado ng mga katutubo sa panahon na iyon at saksi ako sa lahat ng naganap sa D'yandi. Totoong kasaysayan ito. - Dean Antonio La Viña, Associate Director, Manila Observatory