Alam mo ba kung bakit pinatalsik ng mga Pilipino si Ferdinand Marcos noong 1986?
Halika't magbasa, tumuklas, at maghanap
ng sagot tungkol sa kalayaan, karapatan,
at tungkulin ng bawat mamamayan.
------------------
MENSAHE SA MAGBABASA
Nag-umpisa ito nang may marami-raming tanong. Isa sa mga tanong ko noon, tanong pa rin: Ano ba ang gagawin ko? Hindi sapat yung mga naisip kong sagot doon. Kinailangan kong maghanap at magtanong sa iba, lalo at hindi ko naranasan nang personal ang panahon ng Batas Militar. Sa isip ko, dapat tama yung mga makuha kong sagot. Para saan pa na may sagot na hindi tama, di ba?
Sa totoo lang, nahiya akong magtanong. Kinabahan ako, kasi baka may magsabing wala pala akong alam masyado o baka hindi ko magustuhan ang makuha kong sagot. Pero napakalaking tulong nung bahaging iyon: yung pagtatanong at pag-amin na kailangan ko ng gabay. Marami akong natutuhan at nakuhang sagot kahit hindi ko naitanong. Nagsanga-sanga. Maraming nakakalungkot, nakakagalit, at nakakakaba kasi parang nangyayari ulit sa panahon ngayon.
Sa paghanap ng sagot sa Ano ba ang gagawin ko?, nakuha kong magsimula. Bawat likha ng pagpapakita sa mga pangyayaring kaugnay ng Batas Militar ay may kasamang hiling na makagabay sana ito sa pag-unawa ng ating kasaysayan.
Sigurado akong may mga tanong na masasagot. Sigurado rin akong may makakaisip ng mas magagandang paraan ng pagguhit at interpretasyon para mas mainam na maipakita ang mga nilalaman nitong libro. Ano't ano pa man, sobrang nakakatuwa na binabasa mo ito ngayon. Narito na ang libro, pero narito pa rin tayo sa paghahanap ng sagot. Masalimuot man, mahirap, o napanghihinaan ng loob, sama-sama tayong hanapin ang kailangan hanapin.
Aldy Aguirre pintor, ama, mamamayan
BOOK DETAILS
AUTHORS: Aldy Aguirre, Margarita Santos, Ergoe Tinio
ILLUSTRATOR: Aldy Aguirre
PUBLISHER: Canvas
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9789719689720
DATE PUBLISHED: 2023
FORMAT: Paperback
SIZE: 10.5x8in
WEIGHT: 600g