Isang tanyag na "parasantigwar" o manggagamot si Mamay Esing sa bayan ng Sorsogon. Kakaiba ang paraan niya ng panggagamot sa kaniyang mga pasyente. Gumagamit siya ng plato, uling, langis, dasal, at orasyon. Kasama niya sa bahay ang kaniyang apo na si Jonel.
Isang gabi, nabulabog ang bahay nina Mamay Esing ng malalakas na hangin at mga kalabog. Binibisita sila ng mga engkanto. Iyon ang sabi ni Mamay. Kaya naman, naghanda sila ng mga pangontra laban dito. Matatalo kaya nila ang mga engkanto? Makakapunta kaya sila sa mundo nito? Makikita rin kaya ni Jonel ang mga engkanto kahit hindi siya parasantigwar?
Alamin natin.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Jobert Grey Landeza
ILLUSTRATOR: Arli Pagaduan
PUBLISHER: Lampara Books
LANGUAGE: Filipino
ISBN: 9786214741861
DATE PUBLISHED: 2024
FORMAT: Softcover
SIZE: 8x9in
WEIGHT: 150g