Si Palasia ay batang Badjao. Araw-araw na humaharap sa panganib ng lansangan ang mga batang Badjao tulad ni Palasia na dumayo sa lungsod upang mamalimos. Hanggang sa isang araw, nakarinig si Palasia ng marami't masasayang tinig mula sa isang bahay. Kanino kaya ang mga tinig na iyon?
Mga Kuwento sa Batang Katutubo Serye:
Itinitampok sa seryeng Batang Katutubo ang mga kuwento ng apat na batang kabilang sa iba't ibang katutubong pangkat sa Filipinas. Ang bawat aklat ay sulyap sa kanilang kalagayan at kultura. Pinahahalagahan sa mga kuwentong ito ang maagang pagtuturo at wastong pangangalaga sa maliliit na bata upang masigurong maayos ang kanilang paglaki.
Ipinaaalam din sa seryeng ito na ang bawat bata ay may karapatang mabigyan ng sapat na edukasyon. Higit sa lahat, ang mga arat at halagahang ibinabahagi sa mga kuwentong ito ay inaasahang makakatulong upbong mahubog ang mga batang mambabasa na maging Filipino na may pagpapahalaga sa eduskasyon at kulturang Filpino.
BOOK DETAILS
AUTHOR: Virgilio S. Almario
ILLUSTRATOR: Kora Dandan-Albano
PUBLISHER: Adarna House
LANGUAGE: Filipino (with English translation on back page)
ISBN: 9789715081726
DATE PUBLISHED: 2002
FORMAT: Softcover
SIZE: 6x8in
WEIGHT: 65g